Thursday, April 24, 2014

Salibatbat

entry from the defunct Multiply account


One of the most-awaited holidays sa kalendaryo ang "semana santa" season second to Christmas.  For us working here in Cayman, this is the time when you plan on going somewhere off the island since we have 4 days to spend (no Maundy Thursday but we have an Easter Monday)

During my nuestra senora kalinis-linisan de bait-baitan days, tuwang-tuwa ako kapag holy week dahil sa mga Catholic traditions at the same time medyo imbyerna dahil sa kung anu-anong pauso ng mga thudercats.

Isa na dito ang pagkain ng karne, ang ulam lang namin starting Holy Wednesday until Black Saturday, e isda dahil sabi nga bawal daw, di pa naman ako mahilig sa isda (nagmamaganda???). 

Kapag dumating na ang Huwebes-Santo, dizzz izzz it!!! start na ng mga kalokohan at kung anik-anik na pautot.  Halos lahat kaming magbabarkada gigising ng 7am or 8 am para masaksihan ang kadramahan ng "salibatbat" or mga nagpepenitensya.

Ngayon medyo colorful na at kanya-kanya sa design ng itatakip sa mukha, pero during that time merong uniformity ang mga nagpepenitence (blog ko! word ko!) nakasuot sila ng itin na stockings with matching dahon sa ulo or minsan ung halaman na pamparegla na nabibili sa Quiapo, kunwari koronang tinik nila.

Sabi sa amin ng mga lola, kapag daw natalamsikan kami ng dugo nila, mapupunta ung mga kasalanan sa amin (kaloka!!!) kaya ang mga badets nagsisigawan at nagtatakbuhan kapag medyo malakas ang talsik ng dugo. 

Funny thing, pag natapos na ang kanilang drama... makikita mo sila sa kanto and super-toma galore na parang walang nangyari.

Nung bata ako, never akong naki-join sa mga "Visita Iglesias" na iyan, medyo strict kasi ang parents ko, chos!  We started doing that siguro 3 years before going out of the country.  From our parish (Immaculate Conception) to San Jose de Trozo parish, lakad ever lang.  13 churches representing the 13 stations of the cross, di ko sure kung meron ng revised edition ngayon.

Naiisip ko nga meron kayang gumagawa ng ganun from QC to Baclaran?  Sa may bandang Morayta meron dun 2 kambal na simbahan, everytime na station namin yun, naiisip ko kung meron na bang eksenang ganito,

Priest 1:  Nagsesermon...
Priest 2: Narinig niya iyong sermon ng Priest 1, di siya agree, sabay sabi sa mga nagsisimba, "Wag niyong paniwalaan ang sinasabi ng pari sa kabila..."

Hehehehe, kaloka di ko ma-gets kung sino nagtayo nun.

Ang pinakafavorite kung simbahan na puntahan e iyong sa UST, paano aircon tsaka dami mga lulurking nagsasarapan, pati na din San Beda.  Pinakawiz e ang Quiapo dahil siguro amoy-pawis na ang mga tao.

Naisip ko din na ang mga badets mga religious din pala, dahil sila yata ang pinakamaraming demography sa mga nagbibisita.

Breaktime places e iyong lugar sa Mendiola and iyong Jollibee sa Quiapo.

Kapag Good Friday, mas sosyal ang drama nila dahil join forces ang mga iba't ibang district (di ito sa Pampanga, Tondo version itu), at magpa-parade sila.  Meron din silang mga kasamang taga-sugat, ung pinagbasagan ng Ginebra un ung pinanghihiwa sa likod then buhos ng tubig at darna!!! duguan na sila.

After that scene, comes the "Sinakulo" na pambato ng Pinoy sa JC Superstar.

Ang nakaktuwa e bonggang-bongga ang production sa lugar namin, ang mga casts di papatalo ang costume, ang mga hudyos, wagi din sa costume with walis tambo sa helmet.  Minsan iyong gumaganap na JC, ang suot e white and red pero ang pinaka-award e ung pang-nazarenong damit, feel na feel mo.

From the condemnation up to sa pagpako inaabangan namin, kaso kailangan makaligo na kami before 3pm dahil kasalanan daw kapag naligo habang patay si JC.  Sorry ka na lang kapag di ka nakaligo.

This is the fun part after 3pm, "Caridad" or free merienda, merong mga calamay, lugaw, palabok at sago't gulaman.  Parang barrio fiesta, hangga't meron sige lang ng sige.  At siyempre ugaling Pinoy, basta meron pa kiber kuha lang ng kuha, ulam na hanggang kinabukasan.

Iyong isa kong friend, ang drama naman ng family nila e gumora sa mga beaches.  Ako namang si eng-eng kala ko masama iyon dahil dapat malungkot di pwedeng tumawa.
Pero nung namulat ako sa mundo ng kabadingan, aba!  Super puerto-gaylera pala ang dapat every lenten season dahil kung merong magugunaw sa oras na iyon e for sure PG na, dahil sa buong populasyon yata ng mga vehykla nanduon.

Pero before that trend, meron naman malapit sa may Star City na ngayon wala na.  Di ko sure kung may makakagets pero nung dinala ako dun, super shock ako sa drama dahil nagkalat ang mga people sa damuhan at kung anu-anong ginagawa.  Madilim pa naman iyong lugar na iyon kaya ingat sa paglalakad dahil baka mukha ng tao maapakan mo at sumigaw ng mooooo!!!!

Me lumapit sa akin at that time and tinanong kung gusto ko daw siyang serbisyuhan, e medyo bait-baitan ako kaya isang malupit na HINDI!!! ang sagot ko, sayang dahil jackpot sana.

Kapag Sabado de Gloria naman nasa mall lang ikot-ikot pangtanggal ng boredom, inde din gaanong enjoy dahil some of the shops are closed pero hindi na yata ngayon.

Trip ko ding maki-join sa "Salubong" at siyempre pa dun kami nakasunod ke Mama Mary dahil mas bongga ang mga followers niya.  I remember iyong litanya ng coordinator, lahat daw ng boys dapat kay JC sumunod and lahat ng girls at pa-girl ke Mama Mary, e di lahat ng mga badets pumila kay Mary.

And then come Monday, back to basics ang drama... 75% ng co-worker absent :).


One reason why I love being Catholic, the drama and all...

No comments:

Post a Comment