Thursday, April 24, 2014

Biktima Trilogy: People R People (from my Multiply account)

People R People

Year of Crime:  2001
Location:  Taft Avenue
Crime:  Attempted Homicide & Robbery

Charing lang iyong attempted homicide di ko sure how to classify it.  This is the last part of my story at mind you medyo mahaba-habang kwentuhan ito. 

5pm na!!! Uwian na... no plans diretso sa bahay to rest.  Mega para ako ng FX from Commonwealth to Espana kaso nung malapit na sa Espana, I changed my mind.  Parang nangati iyong paa ko to go to Robinson's Place Ermita.  Baka kasi may sale di lang ako aware.

Tumpak!!! Mayroon ngang sale sa PRP, black na polo na stretchable, wala ng patumpik-tumpik, bilhin na agad.  Konting ikot and dahil sa wala na din naman akong anda at wala na ding bago, I decided to go home (eto totoo na).

Madalas akong pumara ng sasakyan sa Faura pero this time mas pinili ko iyong Taft way, tapat ng Mcdo tabi ng PCU.  Mayroon pa naman akong 200 kaya magFX na lang ako.  Magbabayad ka na lang din naman ng 10 piso, e di dun sa sulit na.

Candidate 1:  Tamaraw FX, mukhang mahina aircon, kalawangin.  Dedma.
Candidate 2:  Nakalimutan ko na tatak, keri na, kaso puno na pala.
Candidate 3:  Mitsubishi, tinted mukhang ok.  Sabay para.

Pagsakay ko di nga ako nagkamali, todo-aircon, mukhang bago.  Sa gitna ako umupo.  May katabi akong binata na naglalaro ng cellphone.  Napuno din naman agad iyong FX pagdating sa may Luneta. 

Sabay... click!!!

Dedma lang ako malay ko ba naman na auto-lock iyon.  Then biglang nagsalita iyong isang pasahero sa harap...

Passenger:  Magandang Gabi po sa inyong lahat (sa isip-isip ko nung mga oras na ito, *ano ba naman yan pati ba naman sa FX me nanghihingi ng donation*) iyon pala...

Passenger:  HOLDUP po ito!!! (siyeeettt!!! not again!!!)

And kailangan siyempre ng visual aid...

Ang dami nila di ba?  Of course di ko alam kung sino sa simula dahil halos lahat sila nagbayad ng pamasahe.  At siyempre simultaneous lahat ng nangyayari pero dahil sa attentive ako lahat nakikita and naririnig ko.

Dun sa row namin, iyong robber na katabi ng mother biglang bumunot ng balisong.  Sabay pakita sa amin!  Nagkagulo na!!!

Mother:  Maawa kayo!!! Maawa kayo!!! Huwag niyo kaming patayin!!!

Robber:  Huwag kayong matakot, bigay niyo lang mga wallet niyo pati cellphone walang problema.

Robber (katabi ko):  Hoy ikaw wallet mo!

Me:  (Siyet. Holdaper din pala.)  Eto ho.

Robber:  (Sabay kuha ng 100),(iyong 90 pesos nasa bulsa ko) Cellphone mo?

Me: Wala ho akong cellphone.

Robber:  Ano'ng wala?  May kurbata ka wala kang cellphone?

Me:  Wala nga ho. (kinapkapan)

Robber:  Hubarin mo iyang relo mo, (chaka nung relo ko nun me masuot lang)

Mother:  Eto iyong wallet ko.

Robber (katabi mother):  Hubarin mo iyang mga alahas mo (ang dami niya talagang bling-bling)

Mother:  Huwag iyan regalo iyan ng mister ko.  Nung nagpunta kami sa LV.

Robber:  Ah ganun ba... baka gusto mong makipagkita sa asawa mo na putol ang kamay? (Hinubad din ni mother)

Eksena sa likod...

Nagbigayan na din sila ng mga wallet at cellphone at ang narinig ko...

BF:  Baka naman pwedeng iwan mo na lang iyong barya pamasahe?

Robber:  Hoy! Holdup ito hindi palengke, walang tawaran.  Akin na cellphone ng GF mo.

GF:  Wala akong cellphone.

Robber:  Ano pare baka gusto mong ako pa kumapa diyan?

BF:  Bigay mo na.  (Binigay din)

Eksena sa harap

Binigay na rin ni daughter iyong cellphone niya.  Tapos nakikipagchikahan sa kanya si Robber.

Robber:  Ang ganda mo ah, mana sa nanay... sabay tingin sa nanay.

Mother:  Huwag mong galawin ang anak ko (medyo umiiyak na)

Robber:  Huwag kang matakot, huwag kayong mag-alala bibigyan naman namin kayo ng pamasahe pauwi, 100 daan pero baka dalhin din namin kayo sa Cavite.

Mother:  (hysterical ulit)

Robber:  Alam niyo naman ano ginagawa sa may Cavite?

Driver:  Lahat ba nakuhanan niyo na?  Iyang intsik?  baka may binabalak yan kanina pa tahimik.  Kapkapan niyo ulit!!!

Robber (katabi ni mother):  Papalag ka ba?  (Sabay tutok ng balisong sa leeg?)

Me:  Hindi ho.

Robber (katabi ko):  Ok lang iyan.  Kinapkapan ko na iyan.

Mother:  (Nanginginig) biglang...

Robber (katabi mother):  Ano iyan?  Hubarin mo iyan? (hikaw ni mother)

Mother:  Pabayaan niyo na ito, parang awa niyo na!!!

Robber (katabi mother):  Eto ba gusto mo? (pucha baril)

Mother:  (lalong hysterical) pero tinanggal pa din niya

Daughter:  Baka puwede niyong ibalik kahit na sim card lang?

Driver:  Sige. Ano ba cellphone mo?

Daughter:  Nokia (something)

Robber (katabi ko):  (Binuksan iyong bag) Eto ba? Eto ba? Eto ba? (Siyet ang daming cellphone, nabalik naman ang mga sim cards pati iyong 100 na pamsahe)
Si mother hinihilot ko iyong kamay dahil nanginginig sa takot.  Bumubulong siya *dapat nag-casino na lang kami* paulit-ulit.

Driver:  Sige!  Puwede na silang lumabas. (Bandang Makati na iyon Quirino hiway ata)

Bumababa na kaming lahat.

Robber (katabi mother):  Huwag kayong lilingon, isang putok lang kayo.  Ikaw intsik, lumakad ka lang.

Bigla na lang talaga akong nanghina at napaupo.  Sabi nila magreklamo sa presinto, so sunod naman kami.  Isa-isang kinunan ng pahayag pati iyong mga kinuha. 

Lumabas, si mother ang top-grosser.

Ako naman medyo nahiya kasi bumalik sa akin iyong 100 na kinuha nila, tapos di nila kinuha iyong damit.  Iyong relo mumurahin lang kaya nung ako na ang sinalang...

Officer:  name and ano ang nakuha sa iyo?

Me:  Ryan. Ang nakuha po sa akin, 1000 pesos at Guess na relo.

Exaj talaga, nakakahiya kasi pag sinabi kong relo lang. 

No comments:

Post a Comment