Thursday, April 24, 2014

Palabasan (from my Multiply account)

Nakakawindang isipin iyong mga games na nilalaro ngayon ng mga kiddos or minsan pati na rin ng mga teenies and oldies, super mamahalin at hi-tech kagaya ng mga counterstrike shorva, Wii and PS-PS.  Kakalurki nga e, dahil ngayon 6 yrs old pa lang alam na kung paano magcomputer, e ako nun umiinom pa ako ng gatas sa bote.

Actually, everytime na iniisip ko ito dun ko nafi-feel na thunder-thundercats na ako, paano naman during my kabataan days, di mo minsan kailangang gumastos to play and have fun.  Tao lang ang kailangan mo, solve ka na.

Kaya naisipan kong i-blog iyong mga madalas naming laruin (bukod iyong iniisip mo... bastos!!!) dati.

Larong Chalk

Isa ito sa mga favorite kong laruin, merong dalawang version nito the first one is Step-No or Nora-Vilma Piko tapos iyong pinaka-conventional na Piko (di ko alam tawag dun) .  Although ang objective ng Piko ay paramihan ng name na mag-aappear sa boxes tapos papahirapan mo iyong kalaban na lumundag, goodluck na lang. 
Like what I've experienced dahil sa ang bahay na ng kalaban namin ang last 3 boxes, kailangang super effort sa talon, success naman kaso my tongue ended up bloddy mess, azzz in BLOODY!!!  Iyong dila ko kasi naipit between tha pangils, ayon lumalaylay iyong side...

Ang kailangan mo lang dito ay basag na paso or palayok and you're good to go.  Kung walang palayok, bumili ng chalk 15 cents lang dati or kundi magbasag ng paso.  Pinaka-effective din na pamato ang balat ng saging dahil parang me magnet ito sa ground or siguro dahil sa kung anu-anong bulong or dasal na binabanggit bago ibato ang mahiwagang balat.

Good practice na din ito to move with one foot in case na maaksidente dahil most of the time nakakandirit ka.

Larong Tao

Pamilyar ba kayo sa songs na "Monkey Monkey Annabelle", "Langit Lupa Impyerno", "Pera sa Likod, Pera sa Harap", "Dr. Kwak-Kwak Help Us Please"?  Kung wit, loss kayo.  Eto iyong madalas naming laruin na kapag ni-tag ka ng taya as Monkey, stop ang drama mo then the only way na makakilos ka is to be tagged by your playmate saying the name Annabelle.  Di ko sure bakit pangalan ng mudra ni Ruffa ang ginamit ditey.

Langit Lupa is may dangkalan galore while the Taguang Pung, umaabot kami sa kabilang ibayo para lang magtago and nauuwi sa ayawan na!

Fanatic din ako ng Base-to-Base or iyong iba ang tawag e Moro-Moro, Tumbang Preso (ingat na lang dahil bukol katapat mo pag tumama sa iyo lata ng Carnation evap, Patintero with patutot eklavu, Luksong Tinik and Baka (takot ako sa luksong baka baka kasi sumubsob ako).

Of course nandiyan ang larong nakatayo ka lang with matching hand movements and kembot galore.  Pinakagusto ko e "Darling We Can Love One" kumekyembot while making turn sa mga kalaro.  Syempre andiyan din ang mga walang kamatayang "Penpen de Sarapen", "Chipi chipi cocombun", "Nanay-Tatay", and "Sharon-Sharon Love Gabby"

Larong Bola

This one not a big fan, ibang bola kasi gusto ko (nyahahahaha).  Pero pag napipilitan sige join na din pero dapat "Follow The Leader" or "21" ang laro.  Di kasi ako marunong ng mga rules sa basketball (oh well what to expect???).  Like iyong mga travelling na iyan, ah lech!

Football naman ang favorite ko, tapos ang tsinelas mo dapat e iyong Rambo or kundi sapatos ng Spice Girls na sobrang kapal na makabutas bola.  Goodluck na lang din kapag tinamaan ka ng bola sa fez, for sure markado yan.

Larong Goma & Stationery

Ang mga pang-girl at baklitang laro.

Red white & blue, chinese garters, step 2.  Bata pa lang alam mo na kung saang landas pupunta.  Iyong mga baklita kong mga kalaro grabe tumalon with grace and ang paglanding super pose pa talaga.

Meron ding dampa or pacman game, ito iyong magpo-pose ng mukhang palaka then sabay plakda ng kamay sa lapag para umandar iyong goma.  Tapos ang parusa ng matatalo, rape!!!

Nauso din noon iyong mga stationaries na me design and perfume pati na din iyong sanrio na rubber band.  Ginagawang pera ang stationary, eto kailangan mo ng gumastos, kasi bumibili ako dati nito sa mga kalaro ko, singkong duleng yata bawat isang stationery.

Larong Text/Cards & Jolens

Dito lang ako laging nanalo dahil it doesn't require naman action sa larong ito.  From maliliit na textcards na taken from a Pinoy movie (Puto, Pepeng Kuryente, Zuma, Capatain Barbel) to Marvel cards naging collector ako.

Feeling ko sa lugar namin sumikat ang X-Men sa Tondo (ganun???) dahil before pa magkaroon sila ng  trading cards meron na kaming mga X-Men codename.  Marami din kasing mga badet at that time sa looban namin and pati iyong mga straight nakikijoin din, bago namin iikot ang mga cards may-i-pose angd rama namin kung sino iyong pato namin or kundi naman super sigaw...

Ang lagi kong pato at that time e si Dark Phoenix and Cyclops and those two never fail me.  Reyna elena ako ng mga trading cards.

Di ko alam kung saan na-derived ang word na Jolen,  bata pa rin naman nun si Jolina although member na siya ng 14K.  Anyhoo, iyong mga straight na kalaro ko, yan magagaling sumapol ng mga jolen pero ako?  LOSS!!!
and lastly...

Palabasan

Hindi ito kabastusan, ito iyong magtataya kayo sa isang box ng mga Tau-tauhan or Action figures then kung ano ang mapalabas mo out of the box, then sa iyo na iyon.  AKA Tantsing.

So far during my time, wala namang Barbie doll na naitaya.  Normally, makukuha itong mga action figures na ito sa mga chizcurls kapag bumili ka.  Iyong friend kong si Alex and Michael, ang pamato nila lagi e Daredevil tapos puro thumbtacks and Brutus na merong mga bakal-bakal, para isang kadyot lang labas lahat. :P

Di lang naman ito limited sa Tau-Tauhan pwede ding Pinoy-Lego.  Ang shoray talaga natin laging me Pinoy version.

Minsan naiisip ko ano kaya maiisip ko kung sabihan ako ng yummyness na kalaro ng "pare palabasan tayo?" or di kaya "pare tanchingin mo ako"...

Sad to say di talaga ako sporty spice dahil everytime matatapos ang laro lagi akong sinasabihan ng...


"Sino'ng balagong me kamatis sa ilong"

2 comments:

  1. Haha,., ang klasik! Nakakaaliw.. Isama mo na yung balat candy at tantsan. Gintong ginto ang takip ng marca piƱa at flat tops wrappers. Haha

    ReplyDelete