Thursday, April 24, 2014

Bikitima Trilogy: Pocahontas (from my Multiply account)

Pocahontas

Year of Crime:  1995
Location:  Rizal Avenue, Manila
Crime:  Corruption of Minor

It was just a fine Sunday, I decided to go to church kaso tinamad and watch the latest Disney animation – Pocahontas instead at *shopping galore is great for them all Isettan, Isettan,Isettan*.  All by myself lang ako, the movie was great kahit na parang may mali sa itsura ni Pocahontas, at the same time I bought also its OST.

I decided to go home kaagad after a few arcade games, nakatawid na ako sa bakery (katapat ng Isettan) ng biglang in-approach ako ng isang guy around late 20s.
 
Eto ang dialogue:

Guy:  Boy mayroon ka bang sampung piso?  Di pa kasi ako kumakain.
Me:   (kabado) Eto ho. (akmang ibibigay na sa Mama ng biglang)
Guy:  Huwag dito, baka sabihin pa nila hino-holdap kita.  Doon tayo(sabay turo sa bakery)<>

***pumasok kami sa loob ng bakery, at that moment gusto ko na talagang sumigaw ng saklolo!!! Kaso nahalata niya***

Guy:  Huwag kang mag-alala mabait naman akong tao, baka puwedeng gawin mo ng beinte pesos?
Me:   Sabay dukot at abot sa mama.
Guy:  Salamat.

***palabas na kami ng bakery ng bigla siyang nagsalita***

Guy:  Baka puwede mo akong ihatid sa may McDo (Odeon)?
Me:   Ok lang ho.  (takot tumanggi)

***lakad patungo sa destinasyon, habang naglalakad, inakbayan niya ako and sabay salita***

Guy:  Hawakan mo kamay ko, dali!!!
Me:  (syota? demanding pa!) Bakit ho?
Guy:  Merong mga taong sumusunod sa atin, kapag di mo ako hinawakan sasaksakin ka nila
Me:  (akmang lilingon)
Guy:  Huwag kang lumingon, papatayin ka nila.  Bilisan mong maglakad.
Me:  Maawa naman po kayo sa akin, magsisimba pa po ako.
Guy:  SILAHISTA ako.  Di kami masamang tao, mapagmahal kami. (yeah right, ako bading so???)
Guy:  Hubarin mo yang relo mo (Jessica Alba lang naman).

***tuloy pa din sa lakad hanggat umabot sa McDo, ovkors wwhh ito, strikto ng jowa ko e***

Me:  Sige ho, diyan na kayo.  (dedma na sa relo)
Guy:  Hindi pa hijo, hatid mo ako sa may bus station (Philippine Rabbit – hindi iyong candy)
Me:   E sabi niyo ho, hanggang dito lang, dito na lang po, magsisimba pa ako.
Guy:  Gusto mong masaksak?

***tuloy sa lakad***

Guy:  O bakit di mo hinahawakan kamay ko?  Siguro balak mong tumakbo? 
Me:   Hindi ho.  (hawak naman, sweet di ba?)
Guy:  Pagpasok natin sa motel, yuko ka lang.
Me:   (Mangiyak-ngiyak)  Maawa po kayo sa akin, kamamatay lang ng Mama ko.
Guy:  (Natauhan) Ganun ba?  Sige, kiss mo na lang ako.

SMACK!!!
(huwag magreact wala akong choice)


No comments:

Post a Comment