Thursday, April 24, 2014

Biktima Trilogy: Topsy Turvy Day (from my Multiply Account)

Topsy Turvy Day

Year of Crime:  1996
Location:  Monumento, Caloocan
Crime:  Robbery

"I ask for wealth
I ask for fame
I ask for glory to shine on my name
I ask for love I can possess
I ask for God and his angels to bless me"

-The Hunchback of Notre Dame


Sunday afternoon, all set and ready for my church service.  Medyo paulit-ulit sa isipan ko iyong Disney’s The Hunchback of Notre Dame, I know most of you didn’t like the animated film.  I don’t know, siguro first-time ko lang maka-watch ng Disney film na serious and theme.  Thanks to the gargoyles dahil kung hindi, disappointed ang mga kiddos sa panonood.

Sakay ng jeepney from our place to Sta. Cruz Church mga 2:00 pm na iyon, ang plan ko kasi mag double schedule ako sa service (bait na badet). 

Nasa loob na ako ng room namin, medyo walang katau-tao, kakanatok din.  Nag-iisip ako at that time kung bibili ba ako ng OST ng movie and kung bibili saan naman? 

Tic-toc. 

Tingin sa relo 2:30 na, I have the option to buy it from National Bookstore Soler or SM Carriedo kaso parang mas enjoy kapag malayo, titingin na din ako ng damit. 

Ahhh... why not Grand Central, mag-e-LRT na lang ako, tutal ang original service time ko naman is 4:30.  Keri na iyong one shift.  Sakay LRT, maluwag ang tren, lingo kasi.  15 minutes lang nasa Monumento na ako.

Siguro libot-libot muna ako sa mga shops bago talaga ako pumunta sa Radio City.  Then, I realized na medyo malaki pala iyong dala kong pera.  So nag-iwan lang ako ng 200 pesos sa bulsa, sakto for the cassette tape.

Nilagay ko iyong ibang pera sa ilalim ng sapatos.  Wala din namang mabibili kaya pumunta na ako sa record store.

Me:  Miss mayroon ba kayong Hunchback of Notre Dame?

Lady:  Ay! Wala yata.  Try mo siguro sa ibang lugar diyan sa
(turo sa isang Ever Gotesco)

*may katamaran din mga tindera sa atin*

Hindi ko naman ugaling magpumilit or magtaray so, sinunod ko na lang iyong sinabi niya.  Carefree lang sa lakad.  Then nung nasa labas na ako ng Grand Central (ito iyong parang sidewalk ng mall pero hindi ng kalsada). 

Bigla na lang mayroong dalawang lalaking umakbay sa akin.

Boy1:  Huwag kang sisigaw, may balisong na nakatutok sa iyo. 
(Hindi ito bastos ha, pero feeling ko daliri lang)

Boy2:  Hubarin mo yang relo mo. 
(Punyeta!!! Nakalimutan kong tanggalin)

Boy1:  Pati na rin iyang singsing mo.  Dali!!!

Me:  Hubad na iyong relo, (mabilis lang aksi siyang tanggalin)

Boy1:  Iyong singsing pa!!!
Me:  Hindi ko matanggal, masikip.

Boy1:  Tang*na, puputulin ko daliri mo.

Me:  Nataranta tuloy ako at natanggal ng di-oras.

Tumakbo na.  Hindi ko din ugaling magsisigaw dahil tapos na din naman, importante 10 pa din daliri ko.

Eto ang masama, during that scene, ang daming taong dumaraan and nakatingin sa amin.  Iyon nga lang hindi rin nila alam kung ano ba nangyayari since me akbayang nagaganap.


Nanginig bigla tuhod ko after that and siguro namutla, pero losssss na.  Pumasok na ako sa loob and diretso sa LRT station.  During that 15-minute na biyahe pabalik, nakatunganga lang ako sa bintana. 

I reached church 4pm.  Nandun na rin iyong mga kasama kong servers.

During the mass, nakaupo lang ako and still thinking of what happened.  Then,

Server1:  Ryan namumutla ka.  Ok ka lang ba?

Me:  Ok lang, naholdap kasi ako e.

Server2:  Talaga??? Saan??? Resbakan natin tol.

Me:  Sa Grand Central.

Server2:  Malayo pala.

Priest:  Amen.
(tapos na pala iyong misa)

What about the tape? 

Bumili pa din ako after ng mass, sa Isettan Carriedo na lang.

No comments:

Post a Comment