My first visit was 2007 - DENIED! Hahaha kaloka! Confident pa naman ako na ma-aapprove. Actuallars, mas nag-ikot ako nung 2007 kaysa sa 2008. Nung 2008 - nagstay lang ako dun sa inn the whole day #alamna!
Simple lang ang pagpunta sa Kingston, sakay ka ng plane tapos iyon na! Chos lang pero parang ganun hahaha labo! Well dahil sa galing ng Pinas, kailangan natin ng visa to Jamaica. Once na may visa ka na, book plane (in our case, Cayman Airways) an hour or less flight from Grand Cayman to Kingston.
Medyo scary sa Kingston (wow parang di laki sa Tondo). I am not being a racist here ha - scary in a sense na nakakaintimidate kasi parang laging may away or aawayin ka kapag nagsalita and imagine mo ang height nila and overall physique. I arrived around 8pm - just like in other parts of the world, kailangan medyo madiskarte ka at hindi tatanga tanga kundi #lagot ka!
Safe naman nakarating sa inn and then doon na ako walang labasan until kinabukasan.
Big day has arrived, "I don't feel any pressure right now" and a big failure, oh well papel. Next year ulit parang byukon lang. So luhaan kong binagtas ang Kingston, di ko alam kung saan ako pupunta, ang init init so I decided to visit the Bob Marley House masabi lang na may napuntahan. Yah man! Kebs lang.
Parang kuha lang sa kanto! Saan ka pa? Travelling in corporate attire haha! |
Tapos may mga kids na lumapit, aba! binebentahan ako ng Blackberry. Dedma lang... tapos sabi sa akin ulit "China Man! China Man!" - elooowwwww China Doll ito no! Tapos sabi nung isa, "Stop it... China Man will do kung-fu" tapos sabi ko "Haaaaiiiyaaaaaa" charot lang.
Went back to accommodation - yes lakad ulit! Afterwards, flysung na back to Cayman.
May I remind na maraming interesting places sa Kingston or in Jamaica especially the Ocho Rios pero did not grab the opportunity e. Sayang!
No comments:
Post a Comment