Monday, April 21, 2014

Mt. Pinatubo [Capas, Tarlac] (2014)

Another "ma-try nga" travel moment but no plans of doing it again. Hahahaha!!!  Worth it naman ang effort and everything but I guess there are a lot of places waiting to be explored. 

\

The fierce Mount Pinatubo - situated in 3 provinces of Philippines, Pampanga, Zambales, and Tarlac.  I am too lazy to check in Wikipedia but me thinks this volcano erupted in 1991 around June.  Di ko sure if the eruption is connected sa earthquake na naranasan ko nung bata ako na nagresult sa pagkasira ng Benguet (remember Hyatt?).

Past is past and all is good for now, Mt. Pinatubo attracts local and foreign tourists therefore generating small income to LGU and small businesses.  Kahit papaano makabawi ng kaunti sa losses.



Only a day trip - thanks to Zaide who arranged the tour.  Umalis kami sa Manila 3am para makaiwas sa traffic.  Buti walang traffic and wala na ding stopover ito.  Nakarating kami sa Capas, Tarlac (point-of-entry) 5:30 am.  It took an hour for the registration, tour guide, and 4x4 arrangement to be completed.

While waiting, may lalapit na mga kiddos selling pangtungkod for trekking - hahaha parang Lola lang ang peg.  Charing lang, siyempre bumili kami support support din kapag may time.  Buti na lang bumili kami kasi magagamit pala siya ng bongga sa pangsway ng mga ahas (chos lang!).

7am we're off to Pinatubo... sa mga taong kagaya ko na flat ang bum, sasakit ang wetpaks dahil sa bumpy ride.  One hour din iyong ride sa 4x4 - masarap ang feeling dahil ang lamig and you can can feel the breeze.  Infernes din sa mga mountains covered with lahar na tinatamaan ng sunlight - lovely view.


Vroom Vroom
We reached the drop-off point 8am and now we're on our own.  It's a 5km trek - kung sanay kang maglakad or tumakbo sisiw ang trekking na ito.  Good din siya to catchup with friends about sa mga chismax.



Comfort room/washroom will be available only at the 4k mark.  So it's either tiis tiis muna or sa mga talahiban na lang idaan.

The 5th k - medyo paakyat na sa bundok pero keri lang naman.  Then ta-da!!! Welcome to Mt. Pinatubo Crater (sign pa lang) para makapunta ka talaga sa crater kailangan mong bumaba ulit (mga 147 kembots) andun ka na.



Uhmmm... ok lang naman siya.  Ineexpect ko kasi medyo bluish green iyong water kaso kate moss green iyong water.  Pero iyong natirang wall ng volcano infernes parang nasa Canada ka.
Crater Lake


Mabilis din kami dun sa crater mga 1 hour, kinain lang naming iyong mga burgers na binaon namin - then umakyat pabalik, eto ang pinakachallenging.  Punyeta ang sakit sa hita/tuhod - eto ang senior citizen moment.  Mas mabilis ang pabalik dahil lahat kayo nagmamadali at gusto ng makabalik.  We drove back to Capas with the 4x4 around 12pm.  

Goodluck sa dust at iyong sikat ng araw.  May option kang umidlip with a chance na mahampas ang ulo mo sa estribo ng 4x4 or pumikit at magdasal na sana makabalik na kami, sana makabalik na kami, ulit ulitin hanggang mapagod.

We reached Capas ng mga 1pm and medyo tom jones kaya bayla ng inihaw na hotdog and halo-halo.  Reasonable price naman.  Tapos nagshower dahil grabe lang iyong buhok ko sa tigas and lagkit parang nilagyan ng....

Left Capas drop-off point 2:30pm and sumaglit sa Capas Shrine - photo op ng sandali and on the way to Angeles, Pampanga mga 1 hour lang din.  Kumain ng decent food sa K's Café (nice restaurant by the way).  Form of resting na din kaya nagtagal kami sa resto, then dumaan sa LA Bakeshop to buy mini-cheesebread (yummy lalo na pag bagong labas ng oven) 180php for 30pcs.

Capas Shrine
6pm we go back to Manila and after 2 hours, hello Manila!!!

Exhibit A
Some reminders in case na balakin niyo -

  • Dala ng snacks and beverages - mahal ang tinda sa Pinatubo 100PHP for the drinks.
  • Dala ng pack lunch - sorry walang nagtitinda dun ng lunch
  • Kapag di na malamig ang beverage makisuyo kayo sa batang nagtitinda sa crater na makilagay tapos abutan niyo na lang ng 20 pesos
  • Dala din kayo ng mga candies or kung generous kayo extra food for the Aeta kids
  • Dala ng payong/raincoat.
  • Pahid ng sunblock (see exhibit A)
  • Dala ng pantakip ng ilong at bibig for the Dusty Springfield
  • Pangcover ng kamay
  • Camera
Trip ko naman next Pangasinan...

No comments:

Post a Comment