Wednesday, April 30, 2014

The Amazing Spider-Man 2 (2014)

Contains major spoiler:


My earlier expectation was, I may not enjoy the film because 3 villains maybe too much for 1 superhero.  To my own shock though, it went beyond from being a disappointing film to (in my opinion) a horrible comic book adaptation.  Yes, there were a lot of bad superhero flicks (Green Lantern anyone?) but I did not count that this will happen happen to our friendly neighborhood Spider-Man.


Grabbed from Deviantart.net
The good things
  1. Sally Field played the lovable Aunt May.
  2. We know that Emma and Andrew are real life couple, hence the chemistry.
  3. Goodbye Gwen Stacy.
  4. Felicia who maybe the future Black Cat.
  5. The Oscorp inventions (preview of Rhino, Vulture, DocOc, etc.).
  6. The X-Men mid-end-credit-clip.
The bad things
  1. Just like Iron Man 3, the trailers/teasers were deceiving or maybe I misinterpreted it.
  2. I don't want the emo-type Peter Parker and Harry Osborne.
  3. There's just too much romance going on.  
  4. The film lasted close to 2.5 hours - the shows how bad the editing was.
  5. Cheesy dialogues.
I am having a hard time also not to compare Tobey-James-Kirsten with the new trio.  I always find myself favoring the Sam Raimi trilogy.

By the way, I love Emma Stone and Andrew Garfield.

Tuesday, April 29, 2014

In My Playlist (2013): Work Bitch (Britney Spears)

My startup workout song.  

Only Britney can deliver "Bitch" flawlessly.

The Blessed Unrest (2013) [Sara Bareilles]

Courtesy of Wikipedia
I am a fan of the underrated Sara Bareilles - not fan-fan Mariah Carey level but I love her work.  From the addictive Target advertisement song "Love Song" to the heartbreaking "Gravity" not to mention the "Winter Song" duet with Ingrid Michaelson.  The tones are similar but they are good in my ears.

The Blessed Unrest album was the fourth studio album from her and was nominated as Best Album in the 2014 Grammy Awards.  Carrier single was "Brave" which reflects her thoughts on being different, unique and bullied individuals.  While I can relate to this song, this is not my favorite track that belongs to "Chasing The Sun".

There are 12 tracks in this album and all of these are exquisite.  

Hear to believe.

Monday, April 28, 2014

Proposition 8: A Look Back

Out of boredom, I googled my name and to my own surprise, found this


Original link is here.

I am so glad that California Supreme Court ruled it unconstitutional.

Another Cayman nostalgia...

Random Thoughts 162014

Approaching the 5th month of 2014 and the battle that I am having with myself over losing weight is not looking good (for now).  But still hoping that determination will kick in sometime, I don't know now? 

So last week was your usual week - mediocre but always thankful. A new car was bought to replace the old one.  Work is usual, thank goodness... but next month will be a busy month.

Yesterday as part of our commitment with one of the passenger victims, we attended Victory Fellowship.  Keri naman pero hindi ko gaano nagustuhan iyong pagiging "political" ng pastor.  Also, medyo siguro dahil na rin sa mga pinagdaanan ko and mga natutunan ko about spirituality, I found it the same song and dance number.  Hindi ko alam kung matutuwa ba ako nito parang ang yabang ng dating but it's true.  I may not be a religious person, definitely far from perfection, but I know that my faith is strong.  I know that at the end of the day or week or month, it will be ok.

All things are finite especially those unlucky situations.

Thursday, April 24, 2014

Palabasan (from my Multiply account)

Nakakawindang isipin iyong mga games na nilalaro ngayon ng mga kiddos or minsan pati na rin ng mga teenies and oldies, super mamahalin at hi-tech kagaya ng mga counterstrike shorva, Wii and PS-PS.  Kakalurki nga e, dahil ngayon 6 yrs old pa lang alam na kung paano magcomputer, e ako nun umiinom pa ako ng gatas sa bote.

Actually, everytime na iniisip ko ito dun ko nafi-feel na thunder-thundercats na ako, paano naman during my kabataan days, di mo minsan kailangang gumastos to play and have fun.  Tao lang ang kailangan mo, solve ka na.

Kaya naisipan kong i-blog iyong mga madalas naming laruin (bukod iyong iniisip mo... bastos!!!) dati.

Larong Chalk

Isa ito sa mga favorite kong laruin, merong dalawang version nito the first one is Step-No or Nora-Vilma Piko tapos iyong pinaka-conventional na Piko (di ko alam tawag dun) .  Although ang objective ng Piko ay paramihan ng name na mag-aappear sa boxes tapos papahirapan mo iyong kalaban na lumundag, goodluck na lang. 
Like what I've experienced dahil sa ang bahay na ng kalaban namin ang last 3 boxes, kailangang super effort sa talon, success naman kaso my tongue ended up bloddy mess, azzz in BLOODY!!!  Iyong dila ko kasi naipit between tha pangils, ayon lumalaylay iyong side...

Ang kailangan mo lang dito ay basag na paso or palayok and you're good to go.  Kung walang palayok, bumili ng chalk 15 cents lang dati or kundi magbasag ng paso.  Pinaka-effective din na pamato ang balat ng saging dahil parang me magnet ito sa ground or siguro dahil sa kung anu-anong bulong or dasal na binabanggit bago ibato ang mahiwagang balat.

Good practice na din ito to move with one foot in case na maaksidente dahil most of the time nakakandirit ka.

Larong Tao

Pamilyar ba kayo sa songs na "Monkey Monkey Annabelle", "Langit Lupa Impyerno", "Pera sa Likod, Pera sa Harap", "Dr. Kwak-Kwak Help Us Please"?  Kung wit, loss kayo.  Eto iyong madalas naming laruin na kapag ni-tag ka ng taya as Monkey, stop ang drama mo then the only way na makakilos ka is to be tagged by your playmate saying the name Annabelle.  Di ko sure bakit pangalan ng mudra ni Ruffa ang ginamit ditey.

Langit Lupa is may dangkalan galore while the Taguang Pung, umaabot kami sa kabilang ibayo para lang magtago and nauuwi sa ayawan na!

Fanatic din ako ng Base-to-Base or iyong iba ang tawag e Moro-Moro, Tumbang Preso (ingat na lang dahil bukol katapat mo pag tumama sa iyo lata ng Carnation evap, Patintero with patutot eklavu, Luksong Tinik and Baka (takot ako sa luksong baka baka kasi sumubsob ako).

Of course nandiyan ang larong nakatayo ka lang with matching hand movements and kembot galore.  Pinakagusto ko e "Darling We Can Love One" kumekyembot while making turn sa mga kalaro.  Syempre andiyan din ang mga walang kamatayang "Penpen de Sarapen", "Chipi chipi cocombun", "Nanay-Tatay", and "Sharon-Sharon Love Gabby"

Larong Bola

This one not a big fan, ibang bola kasi gusto ko (nyahahahaha).  Pero pag napipilitan sige join na din pero dapat "Follow The Leader" or "21" ang laro.  Di kasi ako marunong ng mga rules sa basketball (oh well what to expect???).  Like iyong mga travelling na iyan, ah lech!

Football naman ang favorite ko, tapos ang tsinelas mo dapat e iyong Rambo or kundi sapatos ng Spice Girls na sobrang kapal na makabutas bola.  Goodluck na lang din kapag tinamaan ka ng bola sa fez, for sure markado yan.

Larong Goma & Stationery

Ang mga pang-girl at baklitang laro.

Red white & blue, chinese garters, step 2.  Bata pa lang alam mo na kung saang landas pupunta.  Iyong mga baklita kong mga kalaro grabe tumalon with grace and ang paglanding super pose pa talaga.

Meron ding dampa or pacman game, ito iyong magpo-pose ng mukhang palaka then sabay plakda ng kamay sa lapag para umandar iyong goma.  Tapos ang parusa ng matatalo, rape!!!

Nauso din noon iyong mga stationaries na me design and perfume pati na din iyong sanrio na rubber band.  Ginagawang pera ang stationary, eto kailangan mo ng gumastos, kasi bumibili ako dati nito sa mga kalaro ko, singkong duleng yata bawat isang stationery.

Larong Text/Cards & Jolens

Dito lang ako laging nanalo dahil it doesn't require naman action sa larong ito.  From maliliit na textcards na taken from a Pinoy movie (Puto, Pepeng Kuryente, Zuma, Capatain Barbel) to Marvel cards naging collector ako.

Feeling ko sa lugar namin sumikat ang X-Men sa Tondo (ganun???) dahil before pa magkaroon sila ng  trading cards meron na kaming mga X-Men codename.  Marami din kasing mga badet at that time sa looban namin and pati iyong mga straight nakikijoin din, bago namin iikot ang mga cards may-i-pose angd rama namin kung sino iyong pato namin or kundi naman super sigaw...

Ang lagi kong pato at that time e si Dark Phoenix and Cyclops and those two never fail me.  Reyna elena ako ng mga trading cards.

Di ko alam kung saan na-derived ang word na Jolen,  bata pa rin naman nun si Jolina although member na siya ng 14K.  Anyhoo, iyong mga straight na kalaro ko, yan magagaling sumapol ng mga jolen pero ako?  LOSS!!!
and lastly...

Palabasan

Hindi ito kabastusan, ito iyong magtataya kayo sa isang box ng mga Tau-tauhan or Action figures then kung ano ang mapalabas mo out of the box, then sa iyo na iyon.  AKA Tantsing.

So far during my time, wala namang Barbie doll na naitaya.  Normally, makukuha itong mga action figures na ito sa mga chizcurls kapag bumili ka.  Iyong friend kong si Alex and Michael, ang pamato nila lagi e Daredevil tapos puro thumbtacks and Brutus na merong mga bakal-bakal, para isang kadyot lang labas lahat. :P

Di lang naman ito limited sa Tau-Tauhan pwede ding Pinoy-Lego.  Ang shoray talaga natin laging me Pinoy version.

Minsan naiisip ko ano kaya maiisip ko kung sabihan ako ng yummyness na kalaro ng "pare palabasan tayo?" or di kaya "pare tanchingin mo ako"...

Sad to say di talaga ako sporty spice dahil everytime matatapos ang laro lagi akong sinasabihan ng...


"Sino'ng balagong me kamatis sa ilong"

Biktima The Untold Stories (from my Multiply account)

akala niyo tapos na ang mga mapapait na karansan sa buhay ko, hindi pa pero tatapusin ko na ngayon sa bog na ito...

actuallars, super short lang ng mga stories that's why pinagsama-sama ko na lang so read on...

HOY GISING!!!

feasibility days as far as i can remember, nagsleep-over ako sa place ng isa kong groupmate and I need to wake up eary dahil may pasok pa, mga 5 am yata iyon.  and since walking distance lang ang place namin from my friend, i decided to walk medyo antok-antok pa...

then i know na may makakasalubong akong *cute* guy, so i stared at him para na din di ko mabunggo sa paglalakad, after that yumuko ulit ako since alam ko na di ko siya makakasalubong, then bigla na lang
*wapak*

azzz in nagising ako! punyeta sinampal ako, sa gulat ko napatingin lang ako sa kanya and i heard *ano gusto mong iyong kabila naman?* dahil duwag talaga ako... naglakad na lang ako as if walang nangyari, with poise pa din.

SI SISA

college ako when this happened, papauwi na kami from our evening class with a friend.  medyo badtrip ako at that time i can't remember what's the reason.  sakay ng jeep, presko at mahangin, then pagdating sa may manila city hall, iyong katabi kong lola sumigaw

*umurong ka nga! huwag mo akong tabihan*

uyyyy si lola ang tanda na emotera pa, ok fine respeto sa mga thundercats... urong ng kaunti
then narinig ko na lang *sasaksakin kita... sasaksakin kita...*

tumingin ako sa friend ko, then medyo natatakot siya baka kasi bumubunot ng patalim keri lang, then ung sa metropoitan theatre na inuulit niya iyon medyo malakas na... orkot and at the same time bad trip

*ma para ho!!!*


bumaba iyong friend ko then ako, sabay hila doon sa buhok ng matanda, i know! i know! bad!
e punyeta si lola me balak pang bumaba... takbo kami bigla sa post office... tawa ng tawa iyong friend ko...
di ko alam kung sino biktima dito...

ANG AMBON

gabi, on my way to malate posturang postura pero jeep lang ako.  normally, gustong-gusto ko iyong nakagilid na position while dungaw sa bintana, parang mtv ganun.  then nung nasa simbahan na ng quiapo bigla na lang me tumilamsik na tubig sa mukha ko...

siyeeettt umaambon pero parang di naman... punas. dedma.

aba! sa may bridge meron uling tubig, pinunasan ko... punyeta inde yata ito ulan kasi may bula... kadiriiii laway. punas buti me panyo ako, inisip ko baka may dumura and medyo nilipad at sa akin tumama, lucky me!

nung nasa mapua na, aba!!! same moment again. then narinig ko iyong kaharap ko tumatawa akala ko naman natawa lang kasi nakita niya iyong nangyari

then iyong sister niya biglang nagsalita,

*pagpasensyahan mo na itong kapatid ko, may sakit kasi e, siya iyong dumudura sa iyo*

wtf!!! ang nasabi ko na lang ay *next time pagsabihan mo naman kahit na may sakit.*

then... ma para ho!

ano naman ang laban ko kay promil kid? 

Biktima Trilogy: People R People (from my Multiply account)

People R People

Year of Crime:  2001
Location:  Taft Avenue
Crime:  Attempted Homicide & Robbery

Charing lang iyong attempted homicide di ko sure how to classify it.  This is the last part of my story at mind you medyo mahaba-habang kwentuhan ito. 

5pm na!!! Uwian na... no plans diretso sa bahay to rest.  Mega para ako ng FX from Commonwealth to Espana kaso nung malapit na sa Espana, I changed my mind.  Parang nangati iyong paa ko to go to Robinson's Place Ermita.  Baka kasi may sale di lang ako aware.

Tumpak!!! Mayroon ngang sale sa PRP, black na polo na stretchable, wala ng patumpik-tumpik, bilhin na agad.  Konting ikot and dahil sa wala na din naman akong anda at wala na ding bago, I decided to go home (eto totoo na).

Madalas akong pumara ng sasakyan sa Faura pero this time mas pinili ko iyong Taft way, tapat ng Mcdo tabi ng PCU.  Mayroon pa naman akong 200 kaya magFX na lang ako.  Magbabayad ka na lang din naman ng 10 piso, e di dun sa sulit na.

Candidate 1:  Tamaraw FX, mukhang mahina aircon, kalawangin.  Dedma.
Candidate 2:  Nakalimutan ko na tatak, keri na, kaso puno na pala.
Candidate 3:  Mitsubishi, tinted mukhang ok.  Sabay para.

Pagsakay ko di nga ako nagkamali, todo-aircon, mukhang bago.  Sa gitna ako umupo.  May katabi akong binata na naglalaro ng cellphone.  Napuno din naman agad iyong FX pagdating sa may Luneta. 

Sabay... click!!!

Dedma lang ako malay ko ba naman na auto-lock iyon.  Then biglang nagsalita iyong isang pasahero sa harap...

Passenger:  Magandang Gabi po sa inyong lahat (sa isip-isip ko nung mga oras na ito, *ano ba naman yan pati ba naman sa FX me nanghihingi ng donation*) iyon pala...

Passenger:  HOLDUP po ito!!! (siyeeettt!!! not again!!!)

And kailangan siyempre ng visual aid...

Ang dami nila di ba?  Of course di ko alam kung sino sa simula dahil halos lahat sila nagbayad ng pamasahe.  At siyempre simultaneous lahat ng nangyayari pero dahil sa attentive ako lahat nakikita and naririnig ko.

Dun sa row namin, iyong robber na katabi ng mother biglang bumunot ng balisong.  Sabay pakita sa amin!  Nagkagulo na!!!

Mother:  Maawa kayo!!! Maawa kayo!!! Huwag niyo kaming patayin!!!

Robber:  Huwag kayong matakot, bigay niyo lang mga wallet niyo pati cellphone walang problema.

Robber (katabi ko):  Hoy ikaw wallet mo!

Me:  (Siyet. Holdaper din pala.)  Eto ho.

Robber:  (Sabay kuha ng 100),(iyong 90 pesos nasa bulsa ko) Cellphone mo?

Me: Wala ho akong cellphone.

Robber:  Ano'ng wala?  May kurbata ka wala kang cellphone?

Me:  Wala nga ho. (kinapkapan)

Robber:  Hubarin mo iyang relo mo, (chaka nung relo ko nun me masuot lang)

Mother:  Eto iyong wallet ko.

Robber (katabi mother):  Hubarin mo iyang mga alahas mo (ang dami niya talagang bling-bling)

Mother:  Huwag iyan regalo iyan ng mister ko.  Nung nagpunta kami sa LV.

Robber:  Ah ganun ba... baka gusto mong makipagkita sa asawa mo na putol ang kamay? (Hinubad din ni mother)

Eksena sa likod...

Nagbigayan na din sila ng mga wallet at cellphone at ang narinig ko...

BF:  Baka naman pwedeng iwan mo na lang iyong barya pamasahe?

Robber:  Hoy! Holdup ito hindi palengke, walang tawaran.  Akin na cellphone ng GF mo.

GF:  Wala akong cellphone.

Robber:  Ano pare baka gusto mong ako pa kumapa diyan?

BF:  Bigay mo na.  (Binigay din)

Eksena sa harap

Binigay na rin ni daughter iyong cellphone niya.  Tapos nakikipagchikahan sa kanya si Robber.

Robber:  Ang ganda mo ah, mana sa nanay... sabay tingin sa nanay.

Mother:  Huwag mong galawin ang anak ko (medyo umiiyak na)

Robber:  Huwag kang matakot, huwag kayong mag-alala bibigyan naman namin kayo ng pamasahe pauwi, 100 daan pero baka dalhin din namin kayo sa Cavite.

Mother:  (hysterical ulit)

Robber:  Alam niyo naman ano ginagawa sa may Cavite?

Driver:  Lahat ba nakuhanan niyo na?  Iyang intsik?  baka may binabalak yan kanina pa tahimik.  Kapkapan niyo ulit!!!

Robber (katabi ni mother):  Papalag ka ba?  (Sabay tutok ng balisong sa leeg?)

Me:  Hindi ho.

Robber (katabi ko):  Ok lang iyan.  Kinapkapan ko na iyan.

Mother:  (Nanginginig) biglang...

Robber (katabi mother):  Ano iyan?  Hubarin mo iyan? (hikaw ni mother)

Mother:  Pabayaan niyo na ito, parang awa niyo na!!!

Robber (katabi mother):  Eto ba gusto mo? (pucha baril)

Mother:  (lalong hysterical) pero tinanggal pa din niya

Daughter:  Baka puwede niyong ibalik kahit na sim card lang?

Driver:  Sige. Ano ba cellphone mo?

Daughter:  Nokia (something)

Robber (katabi ko):  (Binuksan iyong bag) Eto ba? Eto ba? Eto ba? (Siyet ang daming cellphone, nabalik naman ang mga sim cards pati iyong 100 na pamsahe)
Si mother hinihilot ko iyong kamay dahil nanginginig sa takot.  Bumubulong siya *dapat nag-casino na lang kami* paulit-ulit.

Driver:  Sige!  Puwede na silang lumabas. (Bandang Makati na iyon Quirino hiway ata)

Bumababa na kaming lahat.

Robber (katabi mother):  Huwag kayong lilingon, isang putok lang kayo.  Ikaw intsik, lumakad ka lang.

Bigla na lang talaga akong nanghina at napaupo.  Sabi nila magreklamo sa presinto, so sunod naman kami.  Isa-isang kinunan ng pahayag pati iyong mga kinuha. 

Lumabas, si mother ang top-grosser.

Ako naman medyo nahiya kasi bumalik sa akin iyong 100 na kinuha nila, tapos di nila kinuha iyong damit.  Iyong relo mumurahin lang kaya nung ako na ang sinalang...

Officer:  name and ano ang nakuha sa iyo?

Me:  Ryan. Ang nakuha po sa akin, 1000 pesos at Guess na relo.

Exaj talaga, nakakahiya kasi pag sinabi kong relo lang. 

Biktima Trilogy: Topsy Turvy Day (from my Multiply Account)

Topsy Turvy Day

Year of Crime:  1996
Location:  Monumento, Caloocan
Crime:  Robbery

"I ask for wealth
I ask for fame
I ask for glory to shine on my name
I ask for love I can possess
I ask for God and his angels to bless me"

-The Hunchback of Notre Dame


Sunday afternoon, all set and ready for my church service.  Medyo paulit-ulit sa isipan ko iyong Disney’s The Hunchback of Notre Dame, I know most of you didn’t like the animated film.  I don’t know, siguro first-time ko lang maka-watch ng Disney film na serious and theme.  Thanks to the gargoyles dahil kung hindi, disappointed ang mga kiddos sa panonood.

Sakay ng jeepney from our place to Sta. Cruz Church mga 2:00 pm na iyon, ang plan ko kasi mag double schedule ako sa service (bait na badet). 

Nasa loob na ako ng room namin, medyo walang katau-tao, kakanatok din.  Nag-iisip ako at that time kung bibili ba ako ng OST ng movie and kung bibili saan naman? 

Tic-toc. 

Tingin sa relo 2:30 na, I have the option to buy it from National Bookstore Soler or SM Carriedo kaso parang mas enjoy kapag malayo, titingin na din ako ng damit. 

Ahhh... why not Grand Central, mag-e-LRT na lang ako, tutal ang original service time ko naman is 4:30.  Keri na iyong one shift.  Sakay LRT, maluwag ang tren, lingo kasi.  15 minutes lang nasa Monumento na ako.

Siguro libot-libot muna ako sa mga shops bago talaga ako pumunta sa Radio City.  Then, I realized na medyo malaki pala iyong dala kong pera.  So nag-iwan lang ako ng 200 pesos sa bulsa, sakto for the cassette tape.

Nilagay ko iyong ibang pera sa ilalim ng sapatos.  Wala din namang mabibili kaya pumunta na ako sa record store.

Me:  Miss mayroon ba kayong Hunchback of Notre Dame?

Lady:  Ay! Wala yata.  Try mo siguro sa ibang lugar diyan sa
(turo sa isang Ever Gotesco)

*may katamaran din mga tindera sa atin*

Hindi ko naman ugaling magpumilit or magtaray so, sinunod ko na lang iyong sinabi niya.  Carefree lang sa lakad.  Then nung nasa labas na ako ng Grand Central (ito iyong parang sidewalk ng mall pero hindi ng kalsada). 

Bigla na lang mayroong dalawang lalaking umakbay sa akin.

Boy1:  Huwag kang sisigaw, may balisong na nakatutok sa iyo. 
(Hindi ito bastos ha, pero feeling ko daliri lang)

Boy2:  Hubarin mo yang relo mo. 
(Punyeta!!! Nakalimutan kong tanggalin)

Boy1:  Pati na rin iyang singsing mo.  Dali!!!

Me:  Hubad na iyong relo, (mabilis lang aksi siyang tanggalin)

Boy1:  Iyong singsing pa!!!
Me:  Hindi ko matanggal, masikip.

Boy1:  Tang*na, puputulin ko daliri mo.

Me:  Nataranta tuloy ako at natanggal ng di-oras.

Tumakbo na.  Hindi ko din ugaling magsisigaw dahil tapos na din naman, importante 10 pa din daliri ko.

Eto ang masama, during that scene, ang daming taong dumaraan and nakatingin sa amin.  Iyon nga lang hindi rin nila alam kung ano ba nangyayari since me akbayang nagaganap.


Nanginig bigla tuhod ko after that and siguro namutla, pero losssss na.  Pumasok na ako sa loob and diretso sa LRT station.  During that 15-minute na biyahe pabalik, nakatunganga lang ako sa bintana. 

I reached church 4pm.  Nandun na rin iyong mga kasama kong servers.

During the mass, nakaupo lang ako and still thinking of what happened.  Then,

Server1:  Ryan namumutla ka.  Ok ka lang ba?

Me:  Ok lang, naholdap kasi ako e.

Server2:  Talaga??? Saan??? Resbakan natin tol.

Me:  Sa Grand Central.

Server2:  Malayo pala.

Priest:  Amen.
(tapos na pala iyong misa)

What about the tape? 

Bumili pa din ako after ng mass, sa Isettan Carriedo na lang.