Monday, March 31, 2014

Pagsanjan Falls, Laguna (2013)

Naaalala ko isa ito sa mga laging tinatanong nung grade school sa mga exams, tapos alam ko may kanta pa about Pagsanjan.  Kaya naman we decided to pay some visit to Pagsanjan Falls.  Road trip!

Row Row Your Boat :)

Mahaba-habang biyahe din so we left early around 6am pero mas ok kung mga 5am, less traffic.  Bago kami nakaabot sa Pagsanjan, we tried the 1st ever Halo Halo sa Pilipinas, uhmm don't bother - keri lang siya.  Parang mas masarap pa yata iyong Chowking na halo halo or even iyong halo halo sa kanto ng bahay niyo.

Dahil sarado iyong road na mas mabilis to reach Pagsanjan, kaya mas lalong tumagal ang biyahe.  Doing the Pagsanjan tour proved to be expensive dahil na rin sa kailangang mag boat rafting, nakita ko naman gaano kahirap ang ginawa ng mga Mr. Banks kaya keri lang iyong price, bigay bigay din ng tip kapag may time pero iyong Mr. Banks namin may pagkademanding, binigay na namin ang kamay gusto pati braso.  Understandable and typical, galingan niyo na lang magpalusot.

May naiisip akong bastos... parang...
Of course kapag nag-Pagsanjan, isipin niyo na magswiswimming kayo.  Dala kayo ng plastic para paglagyan ng wallet or better yet, iwan niyo na lang sa caru kung may dala kayo.  Reminder, bilad bilad sa arawan ang peg ng rafting so goodluck!  30 minutes din ang rafting, may stopover para bumili kayo ng maiinom at ibili din si Mr. Banks ng fudams na di naman nila kakainin pero kebs na dun.

Ta-da Pagsanjan Falls!!!  Sorry pero maliit lang pala siya not the Maria Cristina Falls or Salto or Niagara.  Baby falls lang siya.  Nagpunta din kami dun sa kuweba tapos babagsakan ka ng fall, ok lang kunwari fun!

Kunwari happy!  Going to Panghi Cave
Pagpasok sa kuweba ang panghi!  Mga tao nga naman pwede naman sa tubig magjingle sa kuweba pa.  Sabagay lahat naman ng kuweba mapanghi, buti nga panghi lang hindi amoy r***a.  Hahahahaha!

Typical sa ating mga Pinoys na kapag nabasa lang ng kaunti, gutom na.  Di ba?  Konting ulan, shet gutom na agad.  So going back to Manila we headed to Isdaan Restaurant located in Calauan ayun, boodle seafood.  YUM!!!  Infernes dito sa lugar na ito - pop na pop!!!

Fight! Show no mercy.
I am not going to say that Pagsanjan is overrated pero in my case, masabi lang na been there.

No comments:

Post a Comment