Saturday, March 29, 2014

Bicol Region [Legazpi, Albay] (2014)

Ticket was purchased a year ago - Piso sale of Cebupac.  Sasabihin ko na that this trip was an epic fail in terms of reaching the expectations set.

Cagsawa Ruins (Super Filter and Edit)
Why Legazpi?  Isang rason lang naman - Mayon Volcano.  Since siguro nag-aral ako isa ito sa mga gusto kong mapuntahan (also Banawe Rice Terraces).  I don't care kung ano pa ang pwedeng ioffer basta may Bulkang Mayon, keri na.

Accommodation - simple lang we went for Balay dela Rama nung nakita ko sa TripAdvisor na #1 sila sa Bed & Breakfast and basa basa ng konting reviews, gora na.  Very affordable naman ang place, look for cutesy Jess in case na mag-inquire kayo.

Infernes sa Cebupac, delayed lang ng mga 10 minutes then fly away na sa destination kaso worried na ako sa weather dahil sa *#&$**(@#* bagyong Caloy.  Sa kasamaang palad, paglapag sa airport - ayun ang Magayon, nagtatago sa mga ulap.  Umaambon pa.  Leche talaga!

Anyway, sige first day lang naman so keri yan.  Naglunch kami sa hindi ko alam iyong place, not shala shala na resto pero best naman ang porkchop.  Porkchop talaga??? Siyempre naman umorder kami ng Bicol "anghang" Express and Pinangat (not the isda), iyong nakataling laing.  2 rice!  Burp!

Balay offers tours so we availed the City tour.  It was hu-hum... umuulan kasi e so no sense din.  I think mas ok kung nakisama iyong panahon, but you know how she is.  The tour lasted 4 hours tapos nakikain pa kami sa friend ni Lester.  Dumaan kami sa Cagsawa Ruins, Embacadero, Lignon Hills, and Daraga Church.
Daraga Church
Maaga kaming nakabalik sa balur at lumaklak ng kung anuman iyon, thanks to Chico.  Then we called it a night.


Went to bed and whispered... "sana umaraw bukas"...

2 comments:

  1. Nice. Hehe natawa ako sa porkchop. Iba ba ang porkchop nila sa manila? Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kakaiba lang ung sarap nasa breading yata hehehe

      Delete