Brekkie brekkie... typical Pinoy agahan, mga silog. Infernes may hunky hunk na daddy sa balur ni Kuya Jess. Eto ang mas masarap na agahan, extra egg please, egg ni... chos lang.
While having breakfast nagisip kami on what to do? what to do? Then brilliant idea - why not go to Naga? Unang pumasok sa isip ko si Karina who is from Naga Sireeeee. So around 10am gora na - shuttle lang, 2hours.
Ganito lang naman iyan, araw - ambon - ulan - ambon - kulimlim - araw repeat 3x. First stop CWC also known as Camsur Water Complex. Akala ko dagat iyong pupuntahan. hindi pala chorvakels man-made na water playground lang. Dahil ang sungit ng panahon mas masungit pa sa akin, konti lang ang mga expats na masasarap na nandun.
Keri naman iyong weather, gloomy. Sa clubhouse kami naglunch. Ang sarap sarap ng Liempo infernes, puwede kong dayuhin ulit ang Camsur para lang sa liempo nila. Nagugutom ako habang sinusulat ko to.
The Kare-Kare is yum also pero di ako fan although kakaiba iyong bagoong, made of itsy bitsy tiny shrimps. Patok!
May bonus pa! During our stay there - andun din si Gov, ang youngest elected Governor in PH, saan ka pa! Achievement noh? Hahahaha not so according to a friend na itago na lang natin sa pangalang Kna. LOL!!!
Pero huwag ka ang katawan ni Gov achieve na achieve. Tada!!!
Hindi sa akin ang larawang hubad. Courtesy of Cosmo and iyong may mga arrow courtesy from Pisara.me |
Mayroon naman akong photo na nakadamit siya, kaso iyong suot niya same ng mga suot ng food attendants e. Kala nga ni Nold attendant, tatawagin niya sana for an order hahahaha!!! Buti hindi kundi yari kami sa bodyguard.
Ang next destination - Naga City, to visit SM Naga. Why of course - dapat nasa itinerary ang SM, chos lang. Check namin ang Nuestra Senora Penafrancia - not that glamorous ang facade pero ang loob, I love the mosaic art.
So after the banal-banalan act. Lafok na naman - yay!!! Lezgo to Bigg's Diner.
Retro vibe ang peg ng diner, old phones, old pics/wallpapers ng mga sikat na musicians. Ganda!!!
We ordered Goto and Tokwa't Babsie - yum ulit!
Sayang nga lang iyong Jukebox di gumagana. Mas ok kung working pa din ito mas dagdag sa upside.
Bilis ng oras and we need to go back na sa Albay. Shuttle ulit! Maaraw, we are hopeful na maging ok ang Sorsogon trip and eventually masilayan na ang bulkan. Nakabalik na kami sa Balay 9ish, dinner namin Jollibee (hahaha!!!). Ang aga magsara ng mga tindahan e.
No comments:
Post a Comment