Saturday, March 29, 2014

Bicol Region [Matnog, Sorsogon] (2014)

Our third day - destination: Matnog, Sorsogon.

After kong bangungutin, nagstart na din ako magprep.  Hirap din ha kasi nagbra-brownout.  We left 5am, mukhang maganda ang panahon.  Medyo ang tagal din maghintay mapuno ng shuttle sa terminal, 1 hour.  To Sorsogon proper another 1 hour.  Then to Matnog, mga 2 hours dahil sa hinto hinto ng jeep.  Grabe ang sakit sa wetpaks!

Alas diyes na din kami nakarating sa Matnog.  I already made arrangements with Kagawad Eddie (09261404577) para sa bangka (1500 php).  Sinamahan din niya kami sa pamamalengke kaso limited na ang choices dahil na rin sa 10am na iyon.

Kalmado naman ang dagat and 30 minutes lang nasa Little Subic na kami.  Maganda iyong place, walang ibang visitors kundi kami lang siguro dahil na rin sa bagyo.  Taas ng sikat ng araw, lavet!!!

Sila kuya bangkero na ang bahala sa fudams, iyon nga lang di ganun kasarap - dry ang pagihaw unlike nung nasa Coron kami grabe sa sarap iyong mga ihaw.  I think ito iyong reason bakit gusto ko magtravel sa mga probinsiya ng Pinas.  Less stress and hinahanap mo iyong relax ka lang tapos feel at home ka pa rin.


Ang chaka lang sa Little Subic and due to rain na din is nagkalat ang mga bato at shells sa may seashore.  Ang sakit sa paa tuloy.  Pero ang water laveeeeet!!!  Iyong 2 beks di na lumusong at nagpaghinga na lang.

Sandali lang din kami sa Subic and bago bumalik ng Matnog proper, dumaan kami sa fishery conservation place.  We had fun feeding the fishes.

5pm na nung dumating kami sa Matnog proper and guess what?  Wala ng jeep going back to Sorsogon.  Expected naman dahil iyon ang sabi so we decided na mag-trike hanggang Bulan at may masasakyan daw na bus to Legazpi.

Pasakitan na naman ng wetpaks.

Pagdating sa Bulan, kaloka naglast trip na daw to Legazpi.  OMG stranded na kami!!! Ang natitirang option is iyong mga buses from Samar to Daraga.  Keri na pero chance is miniscule.  Punyeta!!!  Matutulog kami sa Bgy. Hall.

May nagsuggest na mag-Irosin kami (trike ulit) and from there marami ng Sorsogon.  No choice so gorabels na kesa naman di makauwi.  Buti na lang talaga di umuulan kundi ewan ko na lang.

Sa Irosin, nakaramdam naman kami ng hope - dami rin kasi nag-aabang until may van na dumating and buti na lang hanggang Daraga ang biyahe.  Iyon nga lang kaloka sa bagal, sabi nga you can't have everything.

Buti na lang din wala pang mainit ang ulo sa amin kahit na sobrang dami ng buhangin sa loob ng shorts.

Jusko alas 10 na kami nakadating at dinner ulit namin, Jollibee!!!  Pero what a relief na rin at makakatulog kami ng maayos.  Biglang bagsak ang ulan.

Tomorrow is another and our last day here in the region.

Our last day, inuulan pa rin.  Hopeless na talaga makita ang Mayon.  Time to bring pili nuts (Albay Pili House).  Dumaan ulit kami sa Cagsawa baka sakali and dun na rin naglunch kaso fail talaga but wait ano ito?


Yeah I wish totoo yan.  Hehe.

While this was the perfect vacation, I think mas memorable siya because of the adventure and suspense.  Siguro one day we will return and that day lintek lang kapag di ko nakita yang Mayon na yan!

Onga pala on time naman ang flight pabalik Manila pero di pa rin kami pinalagpas dahil iyong laptop naiwan sa plane.

Facepalm!

No comments:

Post a Comment