(1:42am local time)
Minsan naiisip ko ano kaya ang feeling na maging reckless - iyong maging irresponsible sa mga decisions na ginagawa mo. Of course mayroon din naman ako a few regrettable decisions na talagang pinagsisisihan ko pero iyon nga - masarap kaya iyong feeling ng ganun?
Iyong tipong dahil lang sa isang simpleng dikta ng emosyon - gagawa ka na kaagad ng bagay na hindi mo iisipin kung ano ang magiging implikasyon sa iba or sa sarili mo paglipas ng panahon.
Ang sarap sigurong maging iresponsable. Siguro naisusulat ko lang ito dahil nakakapagod maging responsable at maging rasyonal sa bawat desisyon.
Gusto kong lumipad kahit sandali lang...
Friday, February 21, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment