Sa wakas, akin ring natunghayan ang pinakamainit na pelikula
ng taon sa pangunguna ng primyadong aktor na si John Arcilla bilang si Heneral
Antonio Luna.
Maganda siya. Ktnxbye! Charot!
Iyong pag-atake sa pelikula ibang klase, kasaysayan pero
maaaliw ka at tatawa, kadalasan din maiinis ka kung bakit ka naging Pinoy at sa
kapwa mo Pinoy. Higit sa lahat maiinis ka kay Emilio Aguinaldo.
Napapanahon ang paksa nito, unang-una ang pagmamahal sa
bayan at kasarinlan at ang pagiging ganid sa kapangyarihan.
Muy Bien!!!
Wala akong masabi sa mga ibang aktor at aktres
kahit na ang isang linya ni Perla Bautista, magaling ang pagkakatira.
Ang pelikula ay di perpekto pero isa ito sa maipagmamalaking
maestra lalo na sa panahon ngayon.
Nawa'y magsilbing mitsa rin ito ng pagbangon at pagtangkilik
ng mga sariling palabas. Huwag natin isisi sa mga istudyo kung walang
de-kalidad na paksa sa sinehan. Tayo ang may sala - sa mga nakalipas na buwan,
may mangilan-ngilan na makabuluhang pelikula pero patay malisya lang tayo.
Kailangan bang laging umingay sa social media para
tangkilikin natin ang sariling atin?
Ito nga pala ang kinatawan natin sa nararating na OSCARS
pero malamang OLATS. Nagsasabi lang ng opinyon.
Iyong gumanap kay Greggy Del Pilar, rapsa! Crush ko din si
Paco.